Sa
ikatlong bahagi ng 2014, ayon sa Komisyon ng Populasyon, naging 100 milyon na
ang mg Pilipino.
Sana
maging hudyat ito para mas bigyan natin ng kahalagahan ang kapwa Pilipino,
bigyang halaga ang mga salita sa Pilipinas, kasama na dito ang mga dialekto ng
iba’t ibang isla sa bansa, at sana pahalagahan ang kulturang atin.
Ito ay talaarawan* na sa kabuuan ay nasa salitang Tagalog.
Naisip ko na kahit hindi 100 milyon ang nagsasalita ng Tagalog, marami parin naman ang nakakaintindi
nito. Sa kasamaang palad, hindi ako
marunong magsalita at sumulat sa Bisaya,
Ilocano, Cebuano, Waray, Kapampangan,
Tausug, Ilonggo, o iba pang lenguahe na matatagpuan sa Pilipinas. Siguro, pag marunong na ako ng Cebuano, susulat din ako sa wikang ito.
Baybayin / Alibata
Sana mas
marami pang Pilipino na pahalagahan ng sarili nating salita. Sana maiangat
natin ang kalidad ng ating lenguahe. Wala namang gagamit nito kung hindi tayo.
Kung mas gagamitin natin ito, mas maraming magnanais na mag-aral ng ating
salita. Sa 100 milyon Pilipino, mga sampung milyon ang nasa ibang bansa. Kung
karamihan sa atin na nasa ibang bansa ay bibigyang halaga ang ating sariling
wika, marami din susunod at magkakagustong mag-aral at maging magaling sa
salitang Filipino. Simula lang ito, sana pahalagahan din natin ang ibang bahagi
ng ating pagiging Pilipino tulad ng musika, sining, kultura at kasaysayan.
Bago
palang dumating ang taong 1521, may mga ninuno na tayo sa lupang ito, huwag
tayong magpadikta kung sino tayo base sa kung paano tayo inilarawan ng mga
dayuhan, bagkus, pag-aralan natin ang ating buong kasaysayan at huwag maging
gaya gaya lang sa iba.
Sinaunang aklat
*talaarawan
= (blog)
No comments:
Post a Comment