Bilang isang pinoy, isa ako sa makapagpapatunay na masaya
talaga tayong mag kwentuhan. Siguro talagang sabik lang tayo na makita ang
ating mga pamilya at ating mga kaibigan. Ang iba sa ating, hindi madalas mabigyan ng oportunidad makita
ang kapwa Pilipino, kaya naman punong-puno ng katuwaan at kasabikan ang mga
panahong magkakasama ang pamilya o sariling grupo.
Larawan may pahintulot ni S.J.
Talaga namang masasabi kong masarap makipagtalastasan sa
sariling lenggwahe lalo’t buong linggo tayong nagsalita ng wikang banyaga. Lalo
na sa mga pinoy na nagtatrabaho ng mag-isa, naiintindihan ko kung bakit
talagang nakakasabik magkwentuhan at makipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa
pansariling buhay o paminsan minsan sa buhay ng ibang tao o ng mga artista na
ating hinahangaan.
Kaso, napapansin ko din na ilan sa atin ay hindi marunong
makaramdam, makatimpla at makibagay sa kasalukuyang sitwasyon. May mga kultura
o mga ugaling dayuhan na binibigyang halaga ang katahimikan, hindi sa lahat ng
oras, pero paminsan minsan. Kailangan nating basahin ang sitwasyon at magbago
ng kilos, galaw o pananalita kung ito ang nakasanayan sa lugar na ating
binibisita o pinagtatrabahuan. Minsan, sa lakas ng ating boses, hindi natin
napapansin na nakaka-abala na tayo ng ibang tao. Kailangan nating makiramdam sa
paligid at huwag lang isipin ang ating sarili lalo’t na kung tayo’y nasa
pampublikong lugar.
Hindi naman bawal ang magkwentuhan, pero sa tingin ko masaya
parin ang usapan kahit hindi pasigaw ang pananalita. Kailangan natin “i-modulate” ang lakas ng
ating boses, para naman hindi buong tao sa bus o buong tao sa paligid ay alam
na ang nang yayari sa ating buhay dahil sa lakas ng ating tinig. Minsan,
nakaka-gawa tayo ng “ingay polusyon” ng hindi natin sinasadya. Suriin nating
ang ating mga sarili at ang ating kapaligiran.
Sa pagkakatanto ko, may mga bansa na ang mga mismong lokal ay
parang nag-aaway sa lakas ng boses pag nagsasalita. Meron din namang mga bansa
na tahimik lang ang mga mamamayan at hindi parang nagsisigawan kung magsalita.
Dito pumapasok ang pakikibagay. Kung saan man tayo mapadpad, hindi naman
masamang maki-ayon o makiramdam kung nakaka-apekto na tayo ng negatibo sa ating
mga katabi.
Maingay po ba talaga tayo?
No comments:
Post a Comment